Gagamitin na ng Philippine National Police (PNP) ang stationed police vehicle nito para magbigay ng libreng sakay.
Ito ayon sa PNP ay kung marami pa ring stranded na pasahero na walang masakyan ngayong balik trabaho na ang ilang manggagawa dahil sa general community quarantine.
Hinimok ni PNP Chief Archie Gamboa ang police stations na gamitin ang kanilang mga naka standby na patrol units at marked vehicles.
Partikular dapat aniyang matulungan ang mga babae, buntis at senior citizens na lalabas para sa essential travel o transaction.
Sa ngayon ay tuluy tuloy ang serbisyo ng anim na PNP trucks na buma biyahe sa kahabaan ng edsa para maghatid ng mga pasahero tulad ng health at essential workers na walang masakyang papunta at pauwi mula sa trabaho. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)