Kumpiyansa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na makababalik na ang 75% ng kapasidad ng ekonomiya ng Pilipinas sa darating na Hulyo.
Kasunod na rin ito ng pagluwag na ng ipinatutupad na community quarantine sa bansa.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, halos kalahati ng kapasidad ng ekonomiya ang nagsimula nang tumakbo matapos na ipatupad ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila at iba pang lugar.
Makabubuti aniya ang muling pagbubukas na ng ekonomiya lalu na sa mga micro, small and medium enterprises (MSME’S).
Samantala, nakatakda namang magpulong ang BSP sa Hunyo 25 para talakayin ang pagbawas sa overnight borrowing rate at reserve requirement ratio ng mga bangko depende sa inflation at gross domestic product (GDP).