Balak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na ipamahagi na lamang ang mga nakumpiska nilang medical supplies sa mga ospital na humahawak ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay NCRPO Police Major General Debold Sinas, hinihimok niya ang lahat ng mga police district directors na humingi ng permiso sa mga korte.
Ito ay matapos namang payagan ng Office of the City Prosecutor ang Manila police district na i-donate sa mga ospital ang mga sobrang edidensiyang kanilang nasabat laban sa mga hoaders at mga nagbebenta ng overpriced medical supplies.
Ikinalugod naman ni sinas ang naging pasiya ng korte para mapakinabangan ng mga health care workers.
Nitong Lunes, nai-turn over na ng mpd sa chinese general ospital ang mga nakumpiska nilang medical supplies kabilang ang mga face masks, latex gloves, personal protective equipment at infrared thermometers. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)