Umaabot na sa 201 ang mga natatanggap na reklamo ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kaugnay sa mga opisyal ng barangay na dawit sa mga anomalya sa pamamahagi ng pondo sa ilalim ng social amelioration program (SAP).
Batay sa datos ng PNP-CIDG mula Abril 1 hanggangMayo 28 ang mga nasabing reklamo ay mula sa mahigit 340 katao na nasa ibat ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay CIDG Deputy Director Police Brigadier General Rhoderick Armamento karamihan sa kanilang natanggap na reklamo ay paghahati hati ng sap subsidy.
Kaugnay nito naaresto ng mga tauhan ni armamento ang isang barangay ex o mula sa Cabalan, Olongapo at isa naman ay barangay secretary sa bansalan, Davao Del Sur. —ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)