Maaari nang mag dine in sa mga fast food at restaurant sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Batay sa Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution No. 42, pinapayagan na ang mga dine in ng hanggang 50% ng kapasidad ng isang establisyemento.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat sundin ang guidelines na inilabas ng Department of Trade and Industry (DTI) hinggil dito.
Iilan sa nakasaad sa guidelines ay dapat pagpasok pa lamang ng mga customer ay i-escort na ang mga ito sa lamesa na mayroong assigned number.
Kapag kukuha naman ng order ang waiter ay kailangang ipinatutupad ang 1-meter social distancing measure.
Nakapag-hand sanitize naman dapat ang mga customers at server bago umorder o magbayad.
Samantala, sinabi ni Roque na ang mga managers naman ang dapat na tumiyak na sinusunod ng mga personnel at customers ang mga health protocols na ito.