Ipinasara muna pansamantala ang barangay hall ng Barangay Sto. Tomas sa lungsod ng Pasig.
Ang naturang pagpapasara ay matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa nitong opisyal.
Kasunod nito, umarangkada na ang contact tracing sa mga maaring nakasalamuha ng naturang opisyal ng barangay. Gayundin ang pagsasailalim sa lahat ng mga close contacts nito sa PCR testing.
Samantala, nagpaalala si Pasig City Mayor Vico Sotto, sa mga residente aniya na mag-aayos ng papeles sa naturang barangay, mangyaring pumunta sa Office of The City Administrator.