Pumalo na sa kabuuang 2,236 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Quezon City.
Sa naturang bilang, 2,099 dito ang natukoy na ang kumpletong address o kinaroroonan ng COVID-patient, habang umakyat naman sa 1,949 na kumpirmado ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit ng lungsod.
Sa datos, mayroong 951 katao ang nakarekober na sa naturang virus, habang 182 naman dito ang nasawi.
Samantala, sa kasalukuyan, mayroon pang 1,182 na suspected COVID-19 case ang Quezon City.