Nagsimula nang mag aral hinggil sa mga virus ang Department of Science and Technology (DOST) bilang paghahanda sa pagtatayo ng Virology Institute sa bansa sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ipinabatid ni DOST ) Secretary Fortunato Dela Peña, na isinulong na nila ang pagtatayo ng nasabing institute.
Ang mga pag aaral aniya nila hinggil sa viruses ay hindi lamang para sa COVID-19 kundi sa iba pang virus.
Una nang ipinanukala ni Senador Panfilo Lacson ang pagbuo ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP) sa ilalim ng DOST sa gitna na rin ng nararanasang global health crisis.