Nabawi na ng mga tropa ng pamahalaan ng Libya ang Tripoli international airport.
Ayon kay military spokesman Mohamad Gnounou, nasa kontrol na nila ngayon ang paliparan na kinubkob ng grupo ni renegade military commander Khalifa Haftar simula noong nakaraang taon.
Ang Libyan National Army (LNA) ni Haftar ay sinasabing suportado ng United Arab Emirates, Egypt, at Russia.
Samantala, inihayag ng United Nations (UN) na panahon na upang ilatag muli ang negosasyon para sa pangmatagalang kapayapaan sa naturang bansa.