Naglunsad ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng bagong sistema sa pagpoproseso ng aplikasyon sa e-passport courtesy lane.
Ayon sa consular affairs ng DFA, pawang operational na o maaari nang magamit ang online passport application system (OPAS) at ang courtesy lane online appointment system (CL-OAS).
Paliwanag pa ng DFA, layon ng sistema na pabilisin pa ang pagpoproseso ng pasaporte at masunod ang mga health protocols kontra sa pagkalat ng COVID-19.
Sa ilalim naman ng CL-OAS, pwede na ring magamamit ang cashless transaction sa pagbabayad sa mga fee ng pagpapagawa ng pasaporte.
Samantala, ayon sa DFA, maaaring ma-access ang mga bagong online system sa link na onlineappform.passport.gov.ph, habang sa mga hindi naman pwede sa courtesy lane, maaaring gamitin ang regular na appointment system sa passport.gov.ph.