Mahigit 300 Overseas Filipino Workers (OFW)’s mula sa Saudi Arabia ang balik Pilipinas.
Ang mga nasabing Pinoy ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA ay mula sa isang construction company sa nasabing bansa.
Tiniyak ng DFA na ligtas nilang nai repatriate ang mga nasabing OFW na naapektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.