Patuloy ang pagkalap ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pangalan ng mga opisyal ng barangay na isinasangkot sa anomalya sa pamamahagi ng social amelioration program (SAP).
Sa pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na nasa 155 mga barangay captain at iba pang opisyal ang kanila nang inimbestigahan.
30 aniya sa nabanggit na bilang ang nai-refer na sa Ombudsman para makasuhan dahil sa sa anomalya sa distribusyon sa pinansiyal na ayuda sa ilalim ng SAP.
Ayon kay Año, kabilang sa mga inireklamo ay ang mga opisyal ng barangay na nakatanggap ng pinansiyal na ayuda ang kanilang asawa, anak, at iba pang mga kaanak.
Kasi yung lahat ng nakatanggap ay ipinoposte namin yung kanilang mga pangalan sa mga barangay halls para makita ng mamamayan kung sino talaga yung mga nakatanggap at dito lumabas na yung mga kamag-anak, asawa, myembro ng pamilya ng kapitan na hindi naman dapat tumanggap. So, lahat ng ito kakasuhan namin sapagkat labag sa batas yung kanilang ginawa,” Año.
Samantala, iniulat naman ni Año na halos 99% nang tapos ang pamamahagi sa unang tranche ng SAP.
Habang inihahanda na rin ng DSWD ang pamamahahagi ng ikalawang tranche kung saan uunahin ang limang milyong pamilya na hindi nakatanggap sa unang trance.
4,940,311 names na ang nai-submit ng ating LGU’s, sila yung bibigyan ng priority at nakahanda na din naman sa 2nd tranche, tutulong ang Armed Forces saka yung Philippine National Police sa pagdi-distribute at ang gagamitin naman karamihan dito ay ATM payment scheme kaya baka mas madali ang pagpapatupad ng 2nd trance,” Año.