Binawi na ni Cebu Governor Gwen Garcia ang kanyang ipinalabas executive order na nagsasaad na pinapayagan na ang backriding o angkas sa motorsiklo sa lalawigan.
Ito ay matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nananatiling bawal ang angkas sa motorsiklo habang umiiral ang community quarantine sa bansa.
Ayon kay Garcia, kanyang napakinggan ang pahayag ng Pangulo at kanyang susundin ang direktiba nito.
Aniya, inabisuhan niya na ang Cebu Provincial Board na bawiin ang E.O kaugnay ng backriding sa lungsod bilang respeto sa pasiya ng Pangulo.
Magugunitang, nito lamang Miyerkules, June 3, nilagdaan ni Garcia ang executive order 19 kung saan pinapayagan na ang pagkakaroon ng isang angkas ng mga pribadong motorsiklo sa lalawigan ng Cebu.