Tiniyak ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) na tatapusin nito ang Lakan Cup na naudlot dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Katunayan, ayon kay MPBL commissioner Kenneth Duremdes, plano nilang magdaos ng week-long tournament sa isang venue kung saan ilalabas ito sa “Crossover Podcast.”
Gayunman, kokonsulta muna ang MPBL sa mga medical experts para makakuha ng clearance sa Department of Health, bilang pagtalima na rin sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).