Pinare-regulate ni Congresswoman Precious Castelo sa Department of Trade and Industry (DTI) ang bentahan ng bisikleta.
Kasunod na rin ito nang pagtaas ng presyo ng bisikleta mula nang magkaruon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi ni Castelo na dapat ding i-monitor ang presyuhan ng mga maliliit na motorsiklo na dinadagsa rin dahil sa limitadong public transportation.
Dapat aniyang tutukan ng DTI kung mayruong hoarding at price manipulation para maagapan ito at mapanagot ang mga nagsasamantalang tindihan ng bisikleta at motorisklo.