Halos 6-milyong mga estudyante ang nakapag-enroll na sa mga pampubliko at pribadong eskuwelahan para sa academic year 2020-2021.
Batay ito sa tala ng Department of Education (DepEd) mula nang mag-umpisa ang isang buwang enrollment period nitong Lunes, Hunyo 1 hanggang kahapon, Hunyo 5.
Ayon sa DepEd, pinakamarami ang nakapagtala sa Region 4-A o Calabarzon na umaabot na sa mahigit 1.2-milyong estudyante.
Habang pinaka-kaunti sa Cordillera Administrative Region (CAR) na higit 38,000 mga mag-aaral.
Una nang inabisuhan ng DepEd ang mga paaralan na magsagawa ng alternatibong paraan ng enrollment sa pamamagitan ng text messaging o social media bilang pag-iingat pa rin sa COVID-19.
Nakatakdang magbukas ang school year 2020-2021 sa Agosto 24 at magtatapos sa Abril ng susunod na taon.