Ilan sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito sa Metro Manila ang nagpositibo sa virus pag-uwi nila sa kani-kanilang lalawigan.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), natapos rin ng mga repatriated OFWs na ito ang kanilang mandatory 14-day quarantine bago pinayagang makauwi sa pamamagitan ng balik probinsya, bagong pag-asa program ng gobyerno.
Kabilang sa ilang OFWs na tinamaan ng COVID-19 ay ang mga umuwi sa palawan sakay ng barko mula sa Manila kasama ang nasa 100 iba pang mga pasahero.
Samanatala, ang dalawang iba pang nagpositibo sa virus ay ang mga OFWs na umuwi ng Bacolod City at Murcia sa Negros Occidental.
Habang ang isa namang repatriated OFW mula Saudi Arabia, ang kauna-unahang COVID-19 case sa Ormoc City.