Dapat munang pag-aralang maigi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinasang Anti-Terror Bill ng Kamara bago niya ito tuluyang lagdaan bilang batas.
Ito’y ayon sa political at military analyst na si Prof. Clarita Carlos kasunod ng pagkakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ng House Bill 6875 sa Kamara nitong isang linggo.
Sa panayam ng DWIZ kay Carlos, maraming probisyon sa nasabing batas ang kailangang mabigyang linaw upang mabura ang agam-agam ng publiko na magagamit ito sa pang-aabuso.
Isa rin sa mga nakikitang problema ni Prof. Carlos ang limitadong resources ng mga law enforcers tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) pagdating sa intellegence gathering.