Umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte ang University of the Philippines (UP) College of Law na i-veto o ibasura ang isinusulong na anti-terrorism bill.
Batay sa pahayag, ngayon pa lamang na ito ay hindi pa isang ganap na batas ay tila nararamdaman na ang pag-iral nito sa sektor ng edukasyon.
Napakalawak kasi umano ng interpretasyon o depenisyon ng terorismo sa ilalim ng pinirmahang bersyon ng senado at kamara na posibleng magamit laban sa karapatang pantao.
Giit pa kolehiyo, nalalagay sa alanganin ang buhay, kalayaan at seguridad sa mga itinalagang acts of terror sa inaprubuhamg panukala.