Magbibigay ng libreng sakay tuwing Lunes ang may 100 TNVS units sa mga commuters sa Commonwealth Avenue.
Ayon sa Laban TNVS, pipila sila sa may Doña Carmen sa Commonwealth para kumuha ng pasahero at dadalhin sa MRT 3 station sa Quezon Avenue.
Dalawang pasahero ang isinasakay ng mga 4 seater TNVS samantalang apat naman sa mga six seater.
Tatlo hanggang apat na balik para humakot ng pasahero ang planong isagawa ng Laban TNVS tuwing Lunes.
Joint project ito ng Laban TNVS at task force disiplina ng Quezon City bilang tulong sa mga walang masakyang pasahero sa Commonwealth Avenue.