Sarado ngayong Lunes ang main office ng Bureau of Immigration.
Ito’y upang bigyang daan ang disinfection ng tanggapan matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa nilang empleyado.
Pinayuhan ang mga nakakuha ng appointment sa online appointment system ng immigration na antayin ang anunsyo para sa panibago nilang schedule.