Posibleng technical glitch ang nangyari sa pagdagsa ng duplicate accounts sa facebook.
Isa ito sa mga tinitignang posibilidad ng National Bureau of Investigation (NBI) na inatasang mag imbestiga sa pagdami ng duplicate accounts sa facebook na ang karaniwang biktima ay mga estudyante at miyembro ng academe.
Ayon kay NBI Cybercrime Division Chief Victor Lorenzo, hindi malayong glitch ang nangyari dahil mahirap gumawa ng multiple account ngayon sa facebook lalo na kung gagamitan ito ng iisang ID, iisang lokasyon at cellphone number.
Gayunman, wala pa aniya itong katiyakan dahil napakarami pa rin nilang tanong na dapat masagot.
Sinabi ni Lorenzo na kasama sa kanilang iimbestigahan kung sadya ang paglikha ng duplicate accounts at kung may tinatarget itong sektor tulad ng mga estudyante.