Mahigit 6-M estudyante ang nakapag enroll na sa public at private schools sa buong bansa para sa bagong school year.
Ipinabatid ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na nasa 6,415,878 ang kabuuang bilang ng mga nag enrol sa kindergarten, elementary, junior high school, senior high school, alternative learning system gayundin yung may mga disability o kapansanan.
Sinabi ni Briones na lumampas pa ang bilang sa inaasahan nilang mag-eenrol sa darating na school year sa unang linggo ng buwang ito.
Ang enrolment ay tatagal hanggang sa Hunyo 30 samantalang ang itinakdang pagbubukas ng klase ay sa Agosto 24.