Asahan nang magkakaroon ng pagtataas ng tuition fee ang mga college at universities para mabawi ang kanilang inilugi dahil sa krisis bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Commissioner Aldrin Darilag, ang pagbaba ng enrollment sa mga darating na semester ay dahilan para mapilitan ang mga academic institution na magtaas ng kanilang tuition fee at iba pang bayarin.
Ani Darilag, nasa 3.5-milyong estudyante mula sa higher education ang naapektuhan ng COVID-19 crisis.
Una rito, ipinabatid ni CHED Chairperson Prospero De Vera na hindi kakayanin ng higher education governing body na tumanggap ng bagong merit scholars ngayong darating na school year.
Ito ay dahil ang pondo umano para sa merit scholarship program ay nare-allocate para suportahan at makadagdag sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.