Isang grupo ng mga law students ang naglunsad ng donation drive para sa mga jeepney drivers.
Sa kanilang facebook page na Barya Lang Po Sa Umaga: A Donation Drive, hinikayat ng grupo ang publiko na mag donate ng kahit P10 na katumbas ng pasahe para sa unang apat na kilometrong biyahe sa jeepney.
Hindi lamang anya apat na kilometro ang mararating ng P10 donasyon dahil diretso ito sa sikmura ng mga jeepney drivers.
Ayon kay Ritzelle Cabangbang, isa sa mga bumuo ng donation drive, kalahati ng kanilang malilikom na halaga ay ibibili nila ng relief good at ang kalahati ay ibibigay na cash para ipantulong sa mga drivers.
Target ng grupo na ipagpatuloy ang donation drive hanggang sa panahong, payagan nang muling makapagpasada ang mga jeepneys.
Meron po kaming donation drive, “Barya lang po sa umaga” para lamang ito sa mga mamang tsuper na at sa kanilang mga pamilyang sinusuportahan na apektado ngayong tigil pasada ngayong ipinapatupad ang general community quarantine. Maari kayong magbigay kahit sa halagang P10 dahil kunting donasyon niyo ay maraming matutulungan na mga pamilya,” ani Cabangbang. — panayam mula sa Ratsada Balita.