Umarangkada na ang sweeper flights ng Philippine Airlines (PAL) na mag-uuwi sa mga i-stranded na pasahero sa kani-kanilang probinsya.
Ayon kay Cielo Villaluna, Spokesperson ng PAL, kasama rin sa sweeper flights ang mga dayuhan na matagal ring na i-stranded dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
The sweeper flights for locally stranded individuals, there’s also for our stranded foreign nationals. Sa ating domestic sweepers to bring our locally stranded kababayan’s back to their home provinces,” ani Villaluna.
Aminado si Villaluna na sa kasalukuyang sitwasyon, halos lampas sa itinakda nilang 75% capacity ng eroplano ang kanilang booking dahil sa dami ng gusto nang makauwi sa kanilang probinsya.
Gayunman, tiniyak ni villaluna na inoobserbahan pa rin ang iba pang health protocols sa bawat flights ng PAL.
Dagsaan yung ating mga pasahero because matagal na sila nakaantabay at dahil dito yung ating mga flights napupuno minsan 75% or 80% but the long term plan is really to have a dedicated goals sa certain part of the cabin to ensure that at point of scale passengers can avail of change with social distancing. Siguro for the next several weeks, we expect Cebu a new flight to almost 80%+ pero eventually magiging 75%”, ani Villaluna. — panayam mula sa Ratsada Balita.