Patay ang hindi bababa sa 57 katao sa serye ng car bomb attacks sa tatlong magkakaibang lugar sa Iraq.
Ayon sa hepe ng pulisya na si Mohammed Al-Tamimi, ang unang pagsabog ay naganap malapit sa isang pamilihan sa bayan ng Khalis.
Nagmakaawa aniya ang suspek na iparada ang kanyang sasakyan, para makabili ng gamot mula sa kalapit na drug store at matapos ang ilang minuto ay sumabog na ang kotse.
Naitala naman ang mga kasunod na pagsabog sa bayan ng Al Zubair at sa Hussainiya District.
By Katrina Valle