Lusot na sa House Plenary ang proposed P29.4-billion budget ng ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao sa susunod na taon.
Bago pa man ito makalusot sa Kongreso, nagtanong si Abakada Partylist Representative Jonathan dela Cruz patungkol sa binitiwang pahayag ng government peace negotiators na failed experiment umano ang ARMM.
Depensa naman ni Maguindanao Representative Bai Sandra Sema na tumatayong Vice Chairperson ng House Committee on Appropriations na naging maayos naman ang liderato ni Governor Mujiv Hataman para matugunan ang pangangailangan ng rehiyon.
By Meann Tanbio