Nabulaga si Defense Secretary Delfin Lorenzana nang magtungo ito sa Pag-asa Island upang pangunahan ang inagurasyon ng beaching ramp sa isla ngayong Martes, ika-9 ng Hunyo.
Ito ay makaraang nakatanggap ito ng ‘welcome’ text mula sa isang telco na nagsasabing sila ay nasa China at Vietnam kahit pa nasa teritoryo ito ng Pilipinas.
Nakasaad din sa text na maaaring magamit ang telco service sa pamamagitan ng roaming partners nito sa dalawang naturang bansa.
TINGNAN: Mensaheng natanggap mismo ni Defense Secretary Delfin Lorenzana nang makatapak sa Pagasa Island para pangunahan ang inagurasyon ng beaching ramp doon | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/9r1rjjvzuK
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) June 9, 2020
Nakatanggap din umano ng kaparehong text message ang mga reporters na nagtungo sa Pag-asa Island upang mag-cover sa nabanggit na inagurasyon.
Samantala, kasama namang nagtungo ni Lorenzana ang ilan pang matataas na opisyal ng militar upang pasinayaan ang itinayong beaching ramp sa isla na magbibigay daan upang pagtibayin ang komunidad at presensya ng mga Pilipino sa lugar.
Ang Pag-asa Island ay bahagi ng teritoryo ng West Philippine Sea —teritoryo na inaangkin din ng China.