Posibleng lumobo ang populasyon hindi lamang sa Pilipinas kun’di maging sa ibang bansa dahil sa pagsasailalim sa mga ito sa lockdown ng ilang buwan.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahirap din para sa mga pamilyang ito na magkaroon ng access sa family planning services dahil sa nasabing lockdown.
Batay umano sa kanilang pagaaral, halos 25% ng kanilang serbisyo sa family planning services sa mga local hospitals maging sa mga regional health units ang naapektuhan ng pandemya.
Ilan umano sa problema na kanilang kinakaharap ay ang kakulangan sa mga tauhan dahil karamihan sa mga ito ay na re-assign para makatuwang sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nariyan din ang kawalan umano ng mobility o masasakyan dahil lockdown at kailangang pag-obserba ng physical distancing sa mga health centers.