Posibleng masakop ng anti-terror bill ang mga komunistang rebelde.
Ayon kay Philippine Army Commanding General Gilbert Gapay, nakita nila kung gaano karahas ang mga komunistang rebelde sa pagpatay ng mga inosente, pulis at sundalo kaya’t wala silang ipinagkaiba sa mga terorista.
Wala naman anyang dapat ipag-alala ang mga may simpatiya sa mga rebelde lalo na sa NPA na siyang armed group ng komunistang grupo basta’t hindi sila magbibigay ng financial at logistical support sa mga ito.
Malaya rin anya ang sinuman na makapagpahayag ng kanilang saloobin basta’t huwag itong hahaluan o manghihikayat ng karahasan.
Lagda na lamang ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kulang sa anti-terror bill.