Iminungkahi ng isang mambabatas ang paggamit sa teknolohiyang ginamit sa eleksyon para sa online classes.
Ayon kay Iligan City Cong. Frederick Siao, kayang abutin ng Very Small Aperture Terminal (VSAT) at Broadband Global Area Network (BGAN) ang mga malalayong barangay na wala pang internet connections.
Ang VSAT at BGAN na ginamit sa eleksyon sa Pilipinas ay maliliit na satellite dishes na nagsisilbing internet provider at telephone lines.
Mayroon aniyang 100 VSAT ang bansa na kayang magbigay ng 20mbps internet speed at maaari ring mag-donate ng karagdagan ang mga telcos para sa mga malalayong lugar.