Kumbinsido ang isang health expert na handa na ang Metro Manila at ang buong bansa para sa mas maluwag na quarantine.
Ayon kay Dr. Susan Mercado, kung mapapansin, 80% ng COVID-19 cases sa bansa ay pawang mild cases na hindi na kailangang dalhin sa ospital kaya’t marami na ang gumagaling.
Bagamat nakakalungkot anya na may mga namamatay pa rin araw-araw, hindi naman ito katulad ng ibang bansa na libo-libo ang nasasawi kada araw.
Sinabi ni Mercado na kahit ang mga ICU at ventilators ng mga ospital sa ngayon ay maluwag.
Merong karagdagang kaalaman na ang mga hospital, ang ating mga health facilities; ang pinaka importante hawak ng local government natin ay hasang-hasa na. So, kung magkakaroon man ng outbreak kunwari sa isang barangay mukhang handa na sila dito sa Metro Manila na mag-lockdown ng smaller areas at tulungan yung magkakalapit kasi talagang naghihirap ang mga tao kapag sarado yung ekonomiya natin,” ani Mercado.
Binigyang diin ni Mercado na kailangan nang magbalik sa normal ang pamumuhay ng mga Pilipino dahil hindi na mawawala ang banta ng COVID-19.
Magiging bahagi na anya ito ng ating buhay tulad ng dengue at iba pang sakit na kailangang harapin kasabay ng pagpapatuloy ng buhay.
Pero sa mga bagong pag-aaral na makikita natin talagang nakakahawa siya kapag may sintomas at kapag maaga pa ang mga bagong lumalabas sa pag-aaral ngayon sa Estados Unidos pati naman sa WHO. Pagkadating ng 8, 9, 10, 11, kahit nag-positive yung PCR hindi pa rin mabubuhay yung virus,” ani Mercado. — panayam mula sa Ratsada Balita.