Tinatayang malulugi ng $84.3-B dolyar ang global air transport industry ngayong taon dahil sa pananalasa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Alexandre De Juniac, Director General at Chief Executive Officer (CEO) ng International Air Transport Association (IATA), ito na ang pinaka-pangit na taon sa kasaysayan ng aviation.
Ibinabala ni De Juniac na malaki ang posibilidad na magpatuloy ang malaking pagkalugi na ito hanggang sa susunod na taon.
Sinabi ni De Juniac na ang pagtayang ginawa nila ay ibinatay sa 2.2-B pasahero kada taon o pagkalugi ng airlines ng $37.54-B dolyar bawat pasahero.