Atake sa puso at hindi coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang sanhi ng pagkamatay ng isang minero na umuwi sa Caluya, Antique galing Zambales.
Katunayan, ayon kay Dr. Anna Marie Villalobos, hepe ng Municipal Health Office (MHO) ng bayan ng Caluya, hindi nakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang biktimang si Ramon Santos Tubilla na isinailim sa test habang naka-quarantine.
Natagpuan na lang umano ang biktima na walang malay at idineklarang dead on arrival sa ospital.
Si Tubilla ay itinuturing na locally stranded individual (LSI) at huling nagtrabaho sa Semirara Coal Mining Corporation (SMPC) sa Barangay Semirara sa nabanggit na bayan.