Nag-aalok ng libreng training programs ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga bumabalik na Overseas Filipino Workers (OFW)’s.
Ayon kay TESDA-NCR Director Florencio Sunico, Jr. Maaaring magpatala online ang mga interesadong ofws.
Sinabi ni Sunico na ang na fill up-an na form online ay idi-diretso sa mga lalawigan kung saan uuwi ang mga OFW’s na tatawagan ng opisina nila para masali sa training program na tinukoy ng mga OFW sa kanilang application.
Isa aniya sa maituturing na in demand training ngayon ay sa agrikultura para matiyak ang seguridad ng pagkain sa bansa sa gitna na rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Una nang inihayag ni IATRF Deputy Chief Implementer Vince Dizon na tinatayang tatlong daang libong OFW’s at seafarer ang inaasahang uuwi pa sa bansa.