Umapela si Senador Francis Pangilinan sa mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy lamang ang pagtangkilik ng mga produkto mula sa mga lokal na magsasaka.
Ito’y matapos humingi ng tulong ang mga magsasaka mula sa Nueva Vizcaya at Ifugao na mabenta ang kanilang mga produkto dahil oversupply na ang kanilang mga ani.
Ayon kay Pangilinan, kailangan ng tulong ng magsasaka dahil bago pa man ang pandemya ay kulang na ang kinikita ng mga ito.
Sinabi ni Pangilinan na sa ilalim ng ‘Sagip Saka’ Law, hindi kailangang dumaan sa mabusisi at matagal na proseso ng procurement ang pagbili sa kanilang ani.