Posibleng lumabas na sa Setyembre ang gamot na sadyang ginawa para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa ulat ng Reuters, kapag maganda ang resulta ng clinical trial ng Eli Lilly and Co sa dalawa nilang antibody therapies ay maaari na itong mapa-aprubahan at mailabas sa Setyembre.
Ang gamot ay isang klase ng biotech medicine na monoclonal antibodies na ginagamit laban sa cancer, rheumatoid arthritis at iba pang uri ng sakit.
Kumbinsido ang Eli Lilly and Co maliban sa nakakagamot posibleng epektibo rin umano itong pigilan ang coronavirus na tulad ng isang bakuna.