Nanawagan ang isang senador na dapat patuloy na suportahan ang ating mga atleta sa kabila ng krisis dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito ang naging panawagan ni Senador Bong Go, chairman ng senate committee on sports sa pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC).
Ani Go, sa harap ng COVID-crisis dapat manatili ang pangangalaga ng PSC sa mga atletang Pinoy lalo’t sa kanilang physical at mental condition.
Dagdag pa ni Go, na ang mga atletang Pinoy ay ‘di lamang nagpapamalas ng kanilang talento, nagdadala pa ng karangalan sa ating bansa.
Kasunod nito, namahagi ng allowance ang PSC sa ating mga atleta at mga coaches nito sa kabila ng umiiral na ”no training, no allowance policy”.
Samantala, nanawagan din si Senador Bong Go sa PSC, na gawin ang lahat para patuloy na masuportahan ang ating mga atleta.