Minamadali na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagproseso ng mga permits at documentations para sa mga crematoriums sa bansa.
Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, ginagawa nila ito upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
Batay aniya sa datos ng DENR-EMB, mayroon lamang 89 crematoriums sa bansa kung saan 69 lamang ang operational.
Sa bilang na ito, ayon kay Antiporda, 26 ang nasa National Capital Region (NCR) pero 16 lamang ang gumagana at may kakayahang mag-cremate ng 66 labi kada araw.