Nasabat ng mga awtoridad ang mga designer bags na may kinalaman sa 1-Malaysia Development (1MBD) scandal.
Ito’y makaraang isiwalat ng abogado ni dating Malaysian Prime Minister Najib Razak na si Muhammad Abdullah, hindi aniya naging maingat ang mga awtoridad na humawak sa naturang operasyon kahit pa alam ng mga ito ang laki ng presyo ng mga designer bags.
Ayon sa asawa ng dating prime minister, hindi aniya sinunod ng mga pulis ang itinakdang standard procedure, nang suriin ang mga bag sa bank negara.
Magugunita noong 2019, nang ihain ng prosekyusyon ang aplikasyon nito para bawiin ang lahat ng pag-aari ng ilyu holding na hinihinalang mga imdb fund na lumalabag sa mga batas tulad ng anti-money laundering at iba pa.
Samantala, itinanggi naman ng pamunuan ng deputy public prosecutor ang naturang paratang.
Aniya, agad na ipinasok sa loob ng vault ang mga bag, at tangging mga authorized personnel lamang ang pinahintulutang magbukas nito.