Nagkausap si Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Ji Xinping kagabi –bisperas ng pagdiriwang ng Independence Day.
Ayon sa Embahada ng China sa Maynila, sinabi ni Xi na ang dalawang bansa ay magkatuwang na nilalabanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
BREAKING: Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping, nag-usap sa telepono nitong Huwebes ng gabi, ayon sa Chinese Embassy sa Maynila. https://t.co/HHOy7zaafm https://t.co/HLQxi7WNu9
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) June 11, 2020
Ang pagtutulungan aniyang ito ay nagpapakita ng magandang relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi pa umano ni Xi kay Pangulong Duterte na natutuwa ito na makita na sa ilalim ng pamumuno nito ay nakapagpatupad ito ng mga hakbang para maiwasan at makontrol ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa at magbunga ito ng positibong resulta.
Kasabay nito, tiniyak ni Xi na patuloy ang pagbibigay ng China ng suporta sa Pilipinas lalo ngayong may kinakaharap na pandemya.