Halos 300 pamilya ang nagsilikas matapos magkasagupa ang dalawang armadong grupo sa Cotabato.
Ayon sa report, unang sinalakay ng grupo ni Kumander Toto Kiram ng 110th base command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang sitio Papandayan, Barangay Bao, Alamada sa North Cotabato.
Subalit kaagad itong natunugan ng grupo ni Kumander Isuk ng Reform Ilaga Movement na nauwi sa kalat-kalat na sagupaan nang magkaaway na grupo.
Kaagad namang nagsilikas ang maraming residente dahil sa takot na maipit sa engkuwentro ng MILF at mga armadong mandirigma.
By Judith Larino