Isa na namang health worker ang iginupo ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Department of Health (DOH), ang pinakahuling pumanaw na pasyente ay isang non-medical staffer.
Una rito, nakapagtala na rin ang DOH ng 25 doctors at 3 nurses na nasawi rin dahil sa COVID-19.
Makakatanggap ng P1 milyon ang bawat pamilya na namatayan ng kaanak na nagtatrabaho sa health sector.