Pabor si National Action Plan Against COVID-19 chairman at Defense Secretary Delfin Lorenzana na isailalim na sa modified general community quarantine (MGCQ) ang National Capital Region (NCR).
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Lorenzana na ang nasabing panukala ay nakadepende pa rin sa kung ano naman ang mapagkakasunduan sa gagawing pagpupulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Lunes, Hunyo 15.
Una nang sinabi ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na posibleng manatili pa rin sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Gayunman, nakadepende pa rin sa kung ano ang magiging kagustuhan ng mga alkalde na siya namang gagamiting batayan ng IATF para sa kapalaran ng community quarantine status ng NCR sa Martes, Hunyo 16.