Nakaamba na namang tumaas muli ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon sa mga taga-industriya, papalo sa P0.90 hanggang P1 kada litro ang magiging dagdag-singil sa diesel at gasolina simula Martes, Hunyo 16.
Magkakaroon naman ng dagdag-presyo sa kerosene na P0.70 hanggang P0.80.
Sinasabing ito na ang ika-anim na sunod-sunod na price hikes sa langis mula nang luwagan ng gobyerno ang quarantine measures sa iba’t ibang bahagi ng bansa.