Bumaba ang bilang ng mga nasasawi dahil sa COVID-19 sa bansa nitong buwan ng Hunyo ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa datos, mula 5.5% na fatality rate sa COVID-19 na naitala nuong Mayo 31, bumaba ito sa 4.2% nitong Hunyo 13.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergiere, mas mababa aniya ito kumpara sa kasalukuyang global case fatality rate sa buong mundo na 5.6%.
Naging posible aniya ang magandang balitang ito ani Vergiere dahil na rin sa sakripisyo ng lahat na manatili sa bahay at paglilimita sa galaw ng mga vulnerable population tulad ng senior citizens.