Inaasahan ang paggawa ng mga robot para sa asistihan ang mga health workers na tumutugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte para aniya malimitahan ang exposure ng mga ito sa nasabing virus.
Ayon sa pangulo, nagde-develop na ang University Of Sto. Tomas ng isang innovative robot na inaasahang haharap sa mga pasyenteng may COVID-19 para magdala ng pagkain at mga medical supply.
Tinawag aniya ang proyekto na ito na Logistic Indoor Service Assistant Telepresence (LISA) Roboto.
Sinabi ng pangulo na aprubado na ang naturang proyekto ng Department of Science and Technology (DOST).