Nagtayo ng temporary shelters para sa mga medical frontliners ng Lung Center of the Philippines ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo.
Sa Facebook post, sinabi ni Robredo na sa tulong ng Angat Buhay partners, nabuo ang “The Oasis Project” na nakalaan para sa mga medical workers na katuwang ng bansa sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Robredo, layon ng proyektong ito na mabigyan ng ginhawa ang mga medical frontliners ngayong humaharap sila sa mapanghamong panahong ito.
Kasabay nito, nagpasalamat si Robredo sa pribadong sektor na nakibahagi rin sa nasabing proyekto.