Muling nakapagtala ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang New Zealand.
Ito’y matapos ang 24 na araw na wala nang naitatalang kaso ng sakit.
Ayon kay New Zealand Health Minister David Clark, mula sa ibang bansa ang dalawang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Tinitingnan na rin umano ang mga nakasalamuha ng naturang pasyente.
Magugunitang idineklara nang COVID-19-free na ang New Zealand matapos wala nang maitalang kaso.